top of page
PILIPINO STAR NGAYON

Gadon sa mga jeepney drivers, ‘be cooperative’

Pilipino Star Ngayon/Doris Franche-Borja/January 28, 2024

MANILA, Philippines — Nanawagan noong Huwebes si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon sa mga jeepney driver at operator na samantalahin ang extension na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.



Ayon kay Gadon, hindi mawawalan ng trabaho ang mga driver kung ang mga operator ay magkakaroon ng koordinasyon, bukas ang isip at may malasakit sa pag-unlad para sa tunay na kaligtasan at kaginhawahan ng publiko.


“Hindi naman drivers ang problema dyan, ang mga operators na ayaw maglabas ng puhunan kahit more than 100 times na nila nabawi ang halaga ng dyip, gusto nila kumita pigain ang pakinabang sa dyip nila para kunin ang kapital. Gusto nilang kumita ng mas malaki sa kanilang lumang jeepney,” ani Gadon.


Sinabi ni Gadon na dapat na isinasaalang alang ng mga public transport ang convinience at kaligtasan ng mananakay. Iminungkahi niya na ang luma at halos sira-sirang jeepney ay dapat gamitin sa mga probinsya para sa agrikultura.


“Look at Cambodia , the cheapest transpo is E-trike, magaganda, walang usok, they are even allowed to pick and drop passengers in 5 star hotels! The hotel concierge will even book for you if you prefer eTrike than a grab car or taxi .Kasi magaganda ang mga etrike nila, walang mga kabayo at banderitas piesta, at walang mga nakakabingi masakit sa tenga na mga basag tunog speakers,” ang paliwanag ng Poverty Alleviation Secretary.


Sakaling ipatupad ang modernization, mapipilitan ang mga operator na magpalit ng modern jeepney.





0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Os comentários foram desativados.
bottom of page